Tuesday, July 26, 2005

Warriors Draw Maroons' First Blood

The UP Fighting Maroons had their early win streak snapped by the feisty UE Red Warriors last weekend. Yes, officiating was horrible but it was the turnovers that killed them. UE's relentless full-court press denied the Maroons the inside passes, thereby neutralizing the front-court advantage. But despite this loss, I feel good about the team's chances this year. I think they just need to have more confidence in the outside shot to free up space so the big men can operate down low. It's been a while since UP has had a strong shot at thh UAAP crown. There's now some good reason to watch the games other than the Pep Squad's halftime show.

One team. One heart. UP Fight! :)

Darn, I miss playing hoops...

Saturday, July 09, 2005

Espresso, anyone?

You Are an Espresso

At your best, you are: straight shooting, ambitious, and energetic

At your worst, you are: anxious and high strung

You drink coffee when: anytime you're not sleeping

Your caffeine addiction level: high

Saturday, July 02, 2005

Para sa mga Gurang

This email/post/friendster bulletin has been passed around among my college friends (my comments in orange). I've always had a simple point of view regarding the quarter-life crisis and age in general:

Grow up but NEVER grow old. :)

Bow.

====================
Tumatanda ka na, friend.

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
(Ni-rerevive na nga eh!)

Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.

Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.

Nanay na lagi ang role ng favorite mong matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!".
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning.
(Yikes! Nasa genes pa naman namin ang malapad ang noo!)

Parang botika na ang cabinet mo.
May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
(Not enough vitamins... kulang sa utaaaaak)


Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo,
pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama
mo sa Starbucks at oorder ng tea.
(Kulang na nga lang mag-dextrose ng kape e)


Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo
tungkol sa kumpanya ninyo.

Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka.
Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung
binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka.

Ang hirap nang magtiwala.Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.
Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera
at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang
umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng VECO, PLDT, SkyCable, Globe,
Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM.
Alipin ka ng BIR.
(Lintek na tax yan. Nanakawin lang din naman, pwede bang ibigay ko na lang sa nanay ko?)

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant
pancit canton. Ngayon,dapat may kasamang
Italian chicken ang fettucine alfredo mo.
(Hmm.. hindi pa pala ako ganun katanda. Masaya pa rin ako sa pancit canton e :) )

Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-
bakod kayo para makapagswimming. Ngayon,
ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto
Galera ang lugar.

Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa.
Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na
sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.

Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong
bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?
Friend, gumising ka.
Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa
lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.
(So will it be the blue pill? Or the red?)

Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka
rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na,
magsisisi ka.

Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin
ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.